Travel Diary: Paandar sa Hong Kong

Note: This is an old blog entry, I just wanted to put all my blogs in one place.

Hello mga Besss!!! Yes, close tayong lahat dito. Basta maganda ka-close ko na agad. At sigurado naman ako magaganda lahat ng nagbabasa ng blog ko, kasing ganda ko. 🙂 WALA NA DAW GUSTO MAGBASA TEH, NAYABANGAN NA SA’YO HAHA.

Kumusta naman ang paandar kong ito?? Tapos na ang SUMMER sa Pinas bakla lakas mo maka-throwback!! DI KO KINAYA ANG TRIP SA BUHAY NI ATE GIRL. Kalahating taon na nakalipas pero wala akong pake ishe-share ko pa din! Pagbigyan nyo na ko please kahit medyo old ganap na. Huli man daw at maganda naihahabol din basta tatakbo ng matulin. HAHAHAHAHHAHAHA! K, LAST KO NA YAN.

Bilang GANDANG GANDA KAYO SAKEN, feeling ko excited pa rin kayo sa next kong pasabog. LOKOHAN NA TALAGA TEH! Sorry na talaga mga Bes at natagalan ang sunod na kabanata ng aking HONG KONG DIARY, busy sa pagbabalat ng patatas ang Madam! May nagremind lang saken na friend (January pa namen napagusapan to) na ipush ko na to dahil nabitin sha sa pagbabasa at bilang gusto sana nyang ihada ang jowabels nya yung umeeroplano levels. KASAL NA SILA NGAYON!!! #ShemsMayPoreberNga Oh wag kayo mainggit, kanya kanyang moment lang yan. Haha. Nauna pa talaga ang kasalan kesa sa mai-blog ko ito! Kaloka!!!

Mga Besss, (madami talagang “S” kase plural HAHAHAHAH K, AKO LANG MASAYA.. LAST MO NA TALAGA YAN!!) maghanda na kayo ng pang-midnight snack nyo. Mashado akong naging madaldal sa mga sunod kong kaechosan baka abutin kayo ng bukas pagbabasa. HINDI PA PALA MADALDAL NG LAGAY NA YON SI ATENG DUN SA PANIMULA NYA. Good luck mga assumerang fraglet!! Nanlait pa talaga. 🙂 🙂

So, before kayo humada familiarize yourselves muna sa MTR system ng HK as most of the tourist attractions are accessible via MTR. UMI-ENGLISH BIGLA SI ATENG, BIGYAN NG MILK TEA YAN!!! May free MTR maps at tourist guide brochures na madadaanan sa airport pa lang, getsung kayo ng isa or kung gusto nyo damihan nyo na tapos gawin nyong flyers sa labas. Wala lang, trip nyo lang magkalat! Dayo pa talaga sa HK ng pagkakalat! KINABAHAN SA MILK TEA AMININ!! 😀 😀

Dahil love na love ko kayo mga baklaaaa (sana love nyo din ako.. sana tayo na lang, tayo na lang ulit. Choss. Maisingit lang ang pageemote) guide ko kayo para maexplore nyo ng bonggabels ang HK kahit short vacay lang din kayo like me. YUNG TOTOO NAGMAMARUNONG LANG SI ATENG, WAG KAYONG MANINIWALA KUNG AYAW NYO MASIRA MGA BUHAY NYO.

Ok, eto na talaga. See below for the MTR system map. Muka lang syang complicated sa una pero wag ka agad mawindang easy peasy lang yan girl. Starting point namen lagi ang Tsim Sha Tsui station (red line) since yun ang pinakamalapit sa guesthouse, walkathon lang. Click the photo to enlarge para mabasa mo ng husay bhe, wag ka umarte dyan. 🙂

routemap
MAHILO KA SANA SA PAGHAHANAP SA TAMANG DAAN. HAHA. SAMA PALA NG UGALE NI ATE GIRL!!!

Dorang Tamad Tip: Pili ka bhe ng hotel or guesthouse na malapit sa train station, yung walkathon lang ang ganap para kahit san ka ihagis dyan keribels mo lang teh!

Two days lang ang aming HK escapade. HANEP MAKA-ESCAPADE! DEFINE ESCAPADE GIRL. Anyways, dun na lang kame gumora sa madalas puntahan ng mga bakasyonista sa HK. WAG-NA-PAHIRAPAN-PA-SARILI na eksena! Ganung level ng pagmamaganda meron tayo dito! 

#MayForever… Nasa DISNEYLAND BEYBEH!

Sa mga di naniniwala sa FOREVER na yan, papatunayan ko senyo MERON! Goraboom na mga beks sa Disneyland!! FOREVER YOUNG ang feeling nyo dito kaya may forever pa rin!! SUS YUN LANG PALA PINAGLALABAN NI ATENG, MAKA-FOREVER KALA MO NAMAN NAKAHANAP NG JOWA SA DISNEYLAND.

Bilang mga bagets at heart tayo, mabenta talaga saten ang amusement parks. Yan tayo e, mahilig tayo sa fairytale, sa happy endings kaya lagi tayo nasasaktan #HUGOTPA Feeling prinsesa ng patatas kayo dito mga ateng! Ikakaganda nyo pag-aura dito pramis. Madaming magandang pedeng pagselfiehan, kung di ka naman mashado kagandahan.. daanin mo na lang sa ganda ng background Teh! Damay damay na rin yan! Hihi. 🙂 🙂 🙂

Dorang Gipit tip: HK$ 499.00 ang ticket per person as of 2014. May mga nag-ooffer ng discounted Disneyland passes. Galing ko no, nalaman ko yan. GEH BUHAT PA NG SARILING BANGKO PATI LAMESA NG KAPITBAHAY BUHATIN MO NA RIN! KANINA KA PA E.

Isa na dyan ang Golden Crown Guesthouse, HK$ 405 ang discounted pass sa kanila! Go ka lang sa website nila, magreserve ka ng ticket online, print mo yung invoice. No reservation fee required, pay cash na lang pag kukunin mo na personally yung ticket! Kahit di ka sa kanila magstay keri lang pwede mo pa rin ma-avail ang discounted Disney pass nila. Bongga diba? 🙂

Getting there: Balik ka dun sa MTR sa taas, from Tsim Sha Tsui station (red line) baba ka ng Lai King station (intersection) para magtransfer sa orange line. From Lai King kembot ka lang to Sunny Bay station (pink line). Ayan na, pagbaba mo dyan, wait mo na lang yung Mickey Mouse Train. Ewan ko na lang ha kung maligaw ka pa dyan. Mapwera na lang kung di mo kilala si Mickey Mouse CHOSERA KAAA!!! Wag kana pumuntang Disneyland di mo pala kilala si Mickey Mouse! Nagiinit ulo ko sayo bakla. Haha. High blood agad ang Madam. 😀

So kyot. :)
ANG CUUUUUTEEEEE!!! 🙂 🙂 🙂 Pag nagka-baby na ko ihahada ko rin sha dito. Humanap ka muna ng mabe-BABY BOY mo bakla!

Mickey Mouse train pa lang ansaya ko na agad mga bhe!!! 🙂 🙂 🙂 Di ko maexplain yung feeling! INDESCRIBABLE. O sadyang mababaw lang ang kaligayahan ko??

Assuming na close talaga kayo ni Mickey Mouse at na-ispluk nya sayo ang tamang daan, mararating mo eto dapat.

DSCN0016
TADAH!!! YAN NA ANG DISNEYLAND CHOSSS! AKYAT KA DITO BAKLA ANDITO PA ANG ENTRANCE. WAG PAHALATA NA MASHADO KANG EXCITED!

Hindi pedeng hindi muna tayo seselpie bago umakyat mga beks!! Aura muna habang fresh pa! Maghasik ng kagandahan sa bawat sulok ng Disneyland! Yan ay kung sure ka sa ganda mo teh baka di ka nila papasukin!! Bwahahahahaha. MAYABANG.

DSCN0015
Sobrang lamig mga inday, walang nagawa ang echosera kong scarf T_T Pero hindi nyo mahahalata saken na lamig na lamig talaga ako. ARTISTA E. CHOS.

Bukod sa sobrang lamig, umaambon ambon pa. Mukang di sang-ayon ang universe sa pagmamaganda ko dito pero go pushness!! Wag papakabog girl ginusto mo yan!!

DSCN0017
SHEMS NASA HONG KONG DISNEYLAND NA TALAGA KO!!! I LOVE YOU WORLD!!! 🙂 🙂 🙂
Hindi ako nagpapaniwala dati sa weather forecast ng Accuweather ay maniwala kayo at tunay nga.
Tuloy po kayo, wag kayo mahihiya. Inday, pagtimpla mo nga bisita ng ARATILES juice yung freshly squeezed ha. FEELING DONYA SI ATENG PINAHIRAPAN PA SI INDAY HAHA
Maki-third wheel ka, bitter kang ehosera ka!
Ang nababagay na caption para dito ay… “MINSAN KANG NAGING AKIN”. DI KO KINAYA EX-JOWA PALA NI MICKEY MOUSE SI ATENG! AYAW MAGPAKAPIT KE MINNIE MOUSE OH! BITTER KA BAKLA!!
Hindi ka tatantanan ni Mickey Mouse dito, kahit san ka lumingon muka nya makikita mo. May angal? HAHA.
HOT.FRESH.DELICIOUS. PARANG AKO LANG. CHAROT LANG!! 😀 Hindi ka tatantanan ni Mickey Mouse dito, kahit san ka lumingon muka nya makikita mo. May angal?? HAHA!
DSCN0033
Oh nagets nyo yun?? Kelangan ko pa itranslate??? Sumusobra na kayo. Wag po abusado. 😛
DSCN0039
DITO nga pala ako madalas natutulog mga teh, sa SLEEPING BEAUTY CASTLE. Ang kokontra ipapaumbag ko saking SEVEN DWARFS!! (Kelan pa nagkaron ng alipores na pitong dwede si Sleeping Beauty??? Di sila nainformed bakla!!)
DSCN0137
Napaka-KULAYFUL parang LIFE KO. ECHOZZ! Lakas maka-forever ng colors!
DSCN0166
NAGKAKAMALI PO KAYO, HINDI PO IYAN SI KATHRYN BERNARDO. CHAROSSS!!!
DSCN0091
Bet na bet ko yang mga bombilya na yan!!! Parang may pa-18 roses lang! Bertdeyhan pala napuntahan ni Ate girl. Haha
LAPAIN KA SANA NG DINOSAUR SA LIKOD MO ECHOSERA KA. RAWR!
MAGKAKALEVEL KAME NINA ATENG SA GANDA.
DSCN0297
SHA LANG DAW ANG MAY KARAPATANG SUMELPIE SA DILIM. NYAHAHA. 😀
IMAG1016
Sabihin nyo naman mashado akong SAKIM, puro mukha ko lang nakita nyo dito. Malamang blog ko to kaya. HAHA. That’s my travel bestie, Arlene. 🙂

Hindi mashadong buwis buhay ang mga rides dito. Tamang hilo ka lang ng mga 10 seconds pagkasakay mo. Kung hanap nyo ay buwis buhay talaga may tuturo ako senyo dahil napaka-generous ko talaga sa information. Me alam ako nag-ooffer ng bungee jumping, FREE na daw kung TATALON KA NG WALANG HARNESS. ANO BET??? BASTUSAN TEH?!? 😀 😀

Keri na ng half day lang ang pagrampa sa Disneyland para hindi rin mashadong pagod ang mga beauty nyo. Rides, lafang, selfie with Disney characters, may Parade din (pero eto yung di namen napanuod ewan ko ba kung baket), shopping ng pasalubongs (maka-shopping feeling mayaman) hanggang gabi na yan kung feel mong antayin pa ang fireworks display at 9pm. Pero antayin nyo talaga mga ateng, ikagaganda ng mga buhay nyo yan! Sarap lang magmuni muni habang nagliliwanag ang kalangitan. Malay mo hindi lang spark ng fireworks ang makita mo. Pagtingin mo sa katabi mo biglang may *SPARK* forever na yan!! Jowain mo na agad Bhe! 🙂

Last pasabog ang fireworks display kaya isagad nyo na hanggang closing time ang pag-aura sa Disney! After ng Haggardo Versoza na paandar sa kampo ni Mickey Mouse, ubos energy na kame so need na talaga mag-beauty rest. 🙂

Next ganap, sa Lantau Island naman tayo mga beks. Pero dahil tinatamad na ko mag-type next time na lang ulet. Haha. Ayan na naman tayo. Siguro naman bago matapos ang 2015 mai-spluk ko din sa inyo kung ano meron sa island na yan. Okies, hanggang sa muling pagrampa!

Nagmamaganda,

Anna ♥

 


Leave a comment